← Back Published on

The Hope of The Resurrection (Taglish)

Hindi na maitatangi ng mundo ang katotohanan na may nag-ngangalang Hesus na taga-Nazarareth, anak ni Joseph and Mary na minsan ay nabuhay dito sa mundo. Ang Hesus na ito ay ang Hesus na tinutukoy ng Bibliya na Diyos na nag katawang tao. His teaching that scattered around the world were also evidence hat there once Jesus who lived on earth.

Ang tangi na lamang questionable sa maraming tao na hindi sumasampalataya kay Hesus ang kanayang mga nagawang himala. Isa sa mga nagawang himala ni Hesus ay ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa kanyang pagkamatay noong Siya ay ipinako sa Krus at inilibing.

Teka, ang sabi ni Pablo, Kung si Hesus ay hindi muling nabuhay ay walang kabuluhan lahat ng aming mga itinuturo at wala ding kabuluhan ang ating pananamapaltaya.

Read 1 Mga Taga-Corinto 15:12-15 MBB05

12 Ngayon, kung ipinapangaral naming si Cristo'y muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli ang mga patay? 13 Kung totoo iyan, lilitaw na hindi muling binuhay si Cristo. 14 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya. 15 Kung ganoon, lilitaw na kami'y mga sinungaling na saksi ng Diyos dahil pinatotohanan namin na muling binuhay ng Diyos si Cristo ngunit hindi naman pala, kung talagang walang muling pagkabuhay ng mga patay.

Totoo nga ba si Hesus ay muling nabuhay? Kung totoong Siya ay muling nabuhay, may ebidensya ba? Kung mayroon ano ang mga iyon? upang tayo ay makasigurado na ang ating pananamapalataya ay hindi napapawalang saysay.

Maraming ebidensya ang nagpapatunay ng muling pagkabuhay ni Hesus, at magbibigay lamang ako ng tatlo kasama ng ilang argumento ng mga  hindi naniniwala laban sa mga patotoo ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Empty Tomb

Una at isa sa mga patotoo na si Hesus ay muling nabuhay ay ang bukas na libingan na walang laman. Ngunit sabi ng ilang ayaw maniwala sa muling pagkabuhay ni Hesus,

"Hindi daw siaya tunay namatay; siya ay buhay, tumakay sa kanyang libingan at mulinng nagpakita sa kanyang mga alagad."

Patungkol dito, paano nila maii-justify ang mga sugat ni Hesus? Bago ipako si Hesus, noong Huwebes ng gabi pagkatapos nilang maghapunan ng mga disipulo, siya ay nagpunta sa hardin ng Gethsemane upang manalangin, madaling araw ng Biyernes, inaresto si Hesus. From the garden ay dinala siya sa templo upang hatulan. Sa parehong araw na iyon ng biyernes si Hesus ay nilatigo ng mahigit kumulang 40 beses, binugbog sya ng mga sundalo at kinantyawan. Pagkatapos, dahil hindi makuntento ang mga hundyo, si Jesus ay na sentesyahan ng kamatayan sa Krus. at sa distansya ng 0.8 kilometro in 1 to 3 hours nilakad ni Hesus ang lugar kung saan sya ipapako habang buhat ang napakabigat na Krus, habang punong puno ng sugat sa katayawan at kinukutya ng mga tao. After carrying His cross, ipinako sya sa sarili nyang krus na binuhat. While suffering all of that pain, He still shouted His 7 last words - habang nakapako, nagugutom, at nauuhaw.

Ngayon, sa tingin n'yo, ang isang tao na bugbog sarado, puno ng latay ng latigo at puno ng sugat sa katawan, Isama mo pa ang limang butas sa kanyang katawan na natamo nya noong sya ay naipako sa krus (2 sa kamay, 2 sa paa, 1 tagiliran). Uhaw, gutom, at pagod. Kung ikaw ang taong makakaranas ng lahat parusa na iyon (na hindi mo naman deserve), tingin mo ba magkakaroon ka pa ng lakas para tumayo? Tingin mo ba ay magkakaroon ka pa ng lakas upang bumuhat ng isang malaki at mabigat na bato at ipagtanggol ang iyong sarili sa mga sundalo na bantay ng libingan?

Kung tao ang makakaranas ng lahat ng hirap na 'yon - He will surely die. Therefore, Jesus trully died on that cross, receiving all of those suffering. On that Friday afternoon, Jesus died.

Jesus of Nazareth, Kung S'ya ay tao lamang hindi na S'ya muling makakalabas pa sa kanyang libingan na iyon. He did really died. Tanging Diyos lamang ang may kapangyarihan na bumuhay ng patay.

At purihin ang Diyos na makapangyarihan sa lahat dahil ang Diyos na pinananamapalatayanan mo ay hindi lamang isang tao! Siya ay Diyos na nagkatawang tao, Kaya't Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa kanyang mga disipulo. Kayat nassaksihan nila ang mga sariwang sugat sa kamay, sa tagiliran, at sa paa ni Hesus.

Purihin ang Diyos!

Kahit na sa kabila ng lahat ng ito, ang sabi pa din ng ilan ay,

"ninakaw ng kanyang mga disipulo ang kanyang katawan at ipinakalat ang balita na muling nabuhay si Hesus"


The Pharisees knows that Jesus is claiming that he would die and rose again on the third day, they also come to think of it, that Jesus’ disciples may steal his dead body and proclaim that Jesus rose again. So, they put their soldiers on the tomb to guard it until the third day, to secure that the tomb is sealed by that massive stone and is heavily guarded by those roman soldiers.

Alam ng mga Pariseo na sinasabi ni Hesus na, Siya ay mamamatay at muling mabubuhay muli pagkatapos ng tatlong araw. Naisip din nila na maaaring nakawin ng mga disipulo ni Hesus ang kanyang bangkay at ipakalat na muling nabuhay si Hesus. Kaya't nila kinausap nila si Pilato at nakiusap na bukod sa napakalaking bato na nakaharang sa libingan ni Hesus ay mag lagay ng bantay. Kayat mahigpit na binantayan ng mga Romanong Sundalo ang libingan ni Hesus.

Ibig-sabihin ang mga simpleng mangingisda tulad nila Pedro at ng iba pang disipulo ay hindi makakalaban sa mga sundalong nag babantay ng libingan ni Hesus upang ito ay nakawin.

Bukod pa sa katotohanan na ito: Nasaksihan din ng mga disipulo kung ano ang mga nangyari kay Hesus. Alam din nila na ito rin ang maaari nilang danasin kung kanilang ipagsisigawan na sila ay mga taga-sunod ni Hesus. Ang pag-tanggi ni Pablo kay Hesus ng tatlong beses, kasama ng kanyang mga sagot at reaction noong tinanong siya ng isang alipin na babae pagtapos maaresto si Hesus ay ilan lamang sa mga ebidensya ng takot at trauma na naranasan ng mga disipulo dahil sa mga nasaksihan nila.

Ang mag nakaw ng bangkay ay maaaring magandang pakana. Ngunit ang masaksihan kung ano ang naranasan ng kanilang Guro ay maaaring magdulot sa kanila ng matinding takot at depression, na maging ang gumawa ng isang hindi magandang bagay - na magnakaw ng bangkay ng isang tao sa loob ng libingan na natatakpan ng malaking bato at nababantayan ng mga sundalo ay hindi na nila magawa pa. Samakatuwid, ang pangagatwiran na "ninakaw ng kanyang mga disipulo ang kanyang katawan at ipinakalat ang balita na muling nabuhay si Hesus" ay isang pakana na hindi magagawa ng kanyang mga disipulo, dahil sa lahat ng kanilang nasaksihan na pinagdaanan ni Hesus, at dahil na din sa respeto at paggalang sa katawan ng kanilang Guro na namatay.

Kung titignan natin ang dalawang dahilan na ito ng ilang mga ayaw maniwala, malinaw na ang libingan kung saan nailagak ang namatay na katawan ni Hesus ay walang laman.

Malinaw na ngayon na ang libingan ay walang laman hindi dahil sa kagagawan ng lakas ng tao. Ang libingan ay walang laman dahil ang taong nakalibing dito ay muling nabuhay at bumangon mula sa kamatayan. Ang kanyang pangalan ay Hesus - Siya ay Diyos at napagtagumpayan niya ang kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Ang Diyos na nagkatawang tao lamang ang makakagawa ng muling mabuhay at magpakita sa kanyang mga disipulo habang saksi sila sa lahat ng sariwang sugat na ebidensya ng pagkakapako sa kanyang kamay at paa.

The empty tomb is evidence that Jesus Christ has risen from the dead and that is enough for us upang itaas natin ang ating pananamapalataya kay Cristo Hesus na ating Panginoon at Diyos.

Ang kanyang mga Disipulo, sila at ang marami pang mga tao sa iba't ibang lugar ang mga Eyewitnesses (saksi) ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

Eyewitnesses

The Resurretion of Jesus is confirmed by His eyewitnesses. Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay pinatunayan ng lahat na naka saksi nito.

Ang mga witnesses na ito ni Cristo ay hindi lamang isa, kundi marami sa magkakaibang araw, lugar, at pangyayari. Dahil si Hesus ay nag tigil ng 40 days pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay bago muling bumalik sa langit.

Ngunit, sabi ng ilan na kumakalaban sa katoohanan na ito ay :

"Ang nakita ng mga disipulo ay isa lamang hallucination o isang ilusyon lamang"

Ang pangagnatwiran na ito ay maaaring masabi na may katotohanan kung iisang tao lamang ang nag-sasabi na si Hesus ay muling nabuhay, or a group of people in one place on one occasion hallucinates at one time – though hindi ako sigurado kung kung posibleng mangyari itong isang example na pangyayari na ito.

Sabihin nating maaaring totoo ang mga ito, pero paano nila maipapaliwanag ang napakaraming pangyayari ng appearances ni Hesus sa magkakaibang tao, magkakaibang lugar; nagtuturo at nakikipagfellowship sa kanyang mga disipulo. Paano nila maii-explain na ang mga taong ito ay handang mamatay para sa isang kasinungalingan. Ano ang kanilang masasabi sa mga testimony ng mga tao na handang mamatay para sa kanilang itinuturo na si Hesus ay muling nabuhay at ibinabahagi na ito'y isang mabuting balita na si Hesus ay muling nabuhay upang kung sino-man ang sumamapalataya sa kanya ay hindi na mapahamak kundi ay magkaroon ng buhay na walang hanggang kasama niya. Mamatay-man sila, sila ay muling mabubuhay kung paanong muling nabuhay si Hesus.

Ibig-sabihin, Ang lahat ng katotohanan patungkol kay Hesus ay hindi kayang mapabulaanan ng argumento na ito. Ang buhay at ang patotoo ng mga tao na handang mamatay para sa katotohanan na kanilang ipinapangaral ay sapat upang ipalaganan ang balitang ito hanggang sa panahon natin ngayon.

Ngunit sa ilan, ang dahilan na ito ay maaaring hindi pa sapat at patuloy na sinasabi na, 

"May nag panggap na si Hesus at nagpakita sa lahat ng kanyang mga disipulo"

Kung titignan ay mukhang mas posible ito kesa sa hallucination, diba? Pero kaya ba ng isang tao na magpapanggap bilang si Hesus nadayain ang kanyang sugat sa kamay at paa, at maging ang lahat ng sugat at bugbog na natanggap ni Hesus mula sa mga sundalo na bumugbog at nag latigo sa kanya?

Isipin natin, tingin n'yo mayroon bang tao dito sa atin na kayang dayain ang lahat ng iyon, at hayaan na mahawakan ng kanyang mga disipulo ang kanyang mga sugat? Kung wala dito sa atin ang may kayang makadaya ng sugat, gayun din sa panahaon ni Hesus walang may ibang makakadaya o makakatulad sa sugat na natamo ni Hesus at magpapakita sa maraming tao sa napakaraming pagkakataon at hahayaan na mahawakan ang kanyang mga sugat.

Samakatuwid, "Ang magpanggap na si Hesus at magpakita sa lahat ng kanyang mga disipulo" ay walang saysay na pangangatwiran ng mga tao na ayaw tanggapin na si Hesus ay muling nabuhay. Ang kanyang mga eyewitnesses ay isa din sa mga dakilang patunay na si Hesus ay muling nabuhay mula sa mga patay.

Ang testimony ng mga nakasaksi ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay napaka-makapangyarihan, na pagkatapos ni Hesus umakyat sa langit at pagkatapos bumaba ng Banal na Espiritu sa kanila - sila ay nagkaroon ng buong tapang na ibahagi ang katotohanan na si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kahit sila ay maparusahan, ma-toruture, at mamatay upang maibahagi lamang ang katotohanan na ito. Para sa ikaliligtas ng lahat ng sasampalataya.

Dahil kay Hesus at sa pagkilos ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa mga Disipulo, God established His church here on earth. Simula sa mga Apostol hanggang sa lahat ng mga unang mananamapalataya. Itinayo ng Diyos ang kanyang Ekklesia sa pamamagitan ng kanyang mga Apostol, at isa ang Ekklesia sa mga dakilang ebidensya na si Hesus ay muling nabuhay - ang Church.

Ekklesia

Ang Ekklesia ay nag mula sa salitang Griego na ang ibigsahin ay Church. Isa ang Church sa mga living evidence ng muling pagkabuhay ni Cristo Hesus. Ang pananampalataya ng mga unang Ama ng iglesia at ang mga naunang mananamapalataya ay ginabayan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at sa katuruan ng katotohanan mula sa Banal na Kasulatan, upang maipasa ang lahat ng katotohanan na ito hanggang sa ating panamahon ngayon.

Ang buhay na patotoo ng mabuting balita ng muling pagkabuhay ni Cristo Hesus ay ang Church. Alam n'yo ba kung ano ang ibig-sabihin n'on? Ibig-sabihin, ikaw at ako, tayong lahat ay isang buhay na patotoo sa mundo! Ang buhay mo na may buong paniniwala at pananampalataya sa muling pagkabuhay ni Hesu-Cristo at ang iyong buhay na nag papakita na ang katotohanan na ito ay ang nagdala sa atin ng kaligtasan - para sa lahat ng sumampalataya.

Kaya nga, tayo ngayon ay nagbabahagi ng ebanghelyo ay dahil sinabi ni Hesus sa ating lahat na tayo ay kanyang magiging mga saksi, Acts 1:8 "You will be my witnesses". Tayong lahat ay magiging saksi ng lahat bagay patungkol kay Hesus at maging sa lahat ng ginawa ng Diyos sa ating buhay. Maging sa kung ano ang dinanas ng Diyos para sa lahat ng tao sa pamamagitan ni Kristo.

Kaya tandaan natin ang S'yang Espiritu na tinanggap ng mga Apostol na nag bigay sa kanila ng lakas at kapangyarihan upang magbahagi noong mga panahon na sila natatakot at nababalisa ay ang S'yang parehong Espiritu na tinanggap natin noong tayo ay sumampalataya kay Hesus bilang ang Diyos, Panginoon at taga-Pagligtas.

The same “power when the Holy Spirit has come upon” the disciples, is the same power that is in you when you believed in Jesus Christ as your Lord, God and Savior. The same Spirit who gave them power to overcome their fear of speaking the truth in Jesus’ name and sharing the goodnews in Jesus’ name, is the same Spirit who will also give us the courage, in our fear, strength in our weaknesses.

Sya ring parehong kapangyarihan ang syang mag magbibigay sa ating ng lakas upang mamuhay para kay Kristo - Buhay na binago ng Banal na Espiritu ng Diyos na nagpapatotoo na si Hesus ay muling nabuhay.


Mga kapatid, with the evidence that I mentioned kanina (Empty Tomb, Eyewitnesses) maging ang mga pangangatwiran na ibinigay ng ilang mga hindi naniniwala, malinaw ngayon na ang iyong pananamapalataya ay hindi napapawalang saysay. Dahil ang lahat ng mga pangangatwiran kanina na sinasabi ng ilan ay tunay na walang saysay, at ang katotohanan ang syang mananatili - na ang Panginoong Hesus at tunay na namatay, inilibing, at muling nabuhay sa ikatlong araw. Ang pananampalataya ng lahat ng naniwala kay Hesus ay hindi mapapawalang saysay.

Kung malinaw na ngayon ang lahat ng ito sa atin, at pinanghahawakan natin ang katotohanang ito, ipakita natin ang pananamapalataya natin sa buong mundo. Tandaan natin, tayo ang Ekklesia ng Diyos, na magiging isang dakilang patotoo ng kapangyarihan ng Diyos para sa ikaliligtas ng lahat ng sasampalataya dito sa sanlibutan.

The life of the church declaring the reason why the tomb is empty, the intention of every believer to share the gospel is declaring that the works and blood of the eyewitnesses of Jesus’ resurrection was never in vein.

Habang tayo ay nasa ating Journey dito sa mundo, habang hindi pa natin naaabot ang ating totoong tahanan sa langit - sa piling ng ating Diyos Ama kasama ng ating Panginoong Hesus. i-encourage natin ang isa't-isa na mamuhay ng tapat sa katotohanan na ito nasaanman tayong lugar - bahay, opisina, paaralan, komonidad; kahit saan, kahit pa hanggang sa dulo ng mundo. Dahil kahit saanman tayo makarating tapat at kasama natin ang Diyos.